tada. wala lang. gusto ko lang gumawa ng blog na pwede kong ipakita sa iyo someday. kung sa multiply kasi madaming makakabasa ~ puro non sense lang siguro ilalagay ko dito. lahat ng iniisip ko tungkol iyo. siguro. hehe o lahat ng gusto ko sa iyo. lahat ng problema ko. lahat na lang. para kung hindi ko masabi sa iyo mabasa mo na lang.
gusto kita makasama habang buhay. gusto ko na makapiling kita. ayokong makikita kang umiiyak. kaya bibili na ako ng panyo para punasan ko ang mga luhang pumapatak sa mata mo. grabe ilang araw na ba tayo? hmm. alam mo bang fourty nine days na tayo? na nagmamahal. ang dami na din nating pinagdaan. grabe nga parang almost two months pa lang. ten days before precisely tapos ang daming luha na ang dumaan sa mga mata mo.
hmm bakit kaya ganoon no? lagi na lang kitang napapaiyak. ganoon ba ako kasamang tao? siguro naman hindi naman di ba? be honest. honesty tayo di ba? ako kasi. alam kong kaya mong mabuhay ng wala ako. ang saklap nga e. kasi hindi ko talaga kaya mabuhay ng mag*isa. parang hindi ko kaya ng wala ang ibang tao. ~ teamwork kasi ako e.
favor. favor lang. pwede bang 'wag ka naman masyadong maging independent. pwede kahit papaano maging dependent ka sakin. kasi baka kayanin mo na wala ako. ako hindi ko kayang wala ka. kahit pinipiliit ko. hindi ko talaga kaya. parang nakakahanap at nakakahanap ang puso at isip ko upang magkasama tayo. parang hindi ko talaga kayang mawala ka. mas lalo na kung mawawala ka sakin.
-