Saturday, June 2, 2007

todoo

sana naman pumasok ka na sa monday. para hindi na ganoon kadami ang mamimiss mong lessons at hindi ka maaaring sumbatan ng professor na hindi ka pumapasok. pagawa ka kay tita ng excuse letter na absent ka. dahil may sakit ka. or ikaw. hmmm FORGE natin! haha bad yun. pero kinakailangan para excused ang absences. yack. nevermind. haha wag na lang. masyadong pormal. na hindi naman nararapat.

habang ako ay nasa sakayan ng tren kanina, aking napagtanto na ikaw ang magandang ehemplo ng isang makabagong kalalakihan. or ako nga ba talaga ang lalaki sa atin. (kung ganoon okay lang na ganyan ka) sige paninindigan ko na. ako na ang lalake. ako na ang pupunta sa bahay, maghahatid, manlilibre (oops. walang kokontra. dapat lalake ang nagbabayad hahaha ^_^) at kung ano pa man. pero ok lang. siguro kasi ganito lang talaga ako. pero minsan.. pero wag nalang. 'di ako sanay na ako ang pinagsisilbihan. sobra. mas sanay ako na ako yun servant. todoo. toink. servant leadership. isa akong tupa. na kabilang sa tatlumpu't pitong tupa. hahaha hindi puta. hindi hiejo de puta. bad yun. hindi nararapat bigkasin ang mga nilalatay sa mga haliparo. haha. (okay ako na yun salbahe. discriminatory!BOO!) pero ayun. bagamat ako ay nagdadalawang isip kung ako nga ba talaga ang babae, pupunta na ako sa desisyong magpapakalalake na ako para sa iyo.

sisikapin kong mawala ang mga pag-iba ng pagtrato at pagiging malamig. kasi hindi dapat ganoon. bad yun. bad ako. kasi ginawa ko s'ya. hindi na mauulit sa abot ng aking makakaya. dahil dapat intindihin ko kung bakit ka kumikilos ng ganoon na ako din naman ang may sala bakit ganoon ang reaksyon mo. masyado siguro akong biolente. kaya't babawasan ko na ang papaging ganoon ko. dapat hindi kita nasasaktan sa aspetong pisikal. at aabtuin ko iyon sa abot ng aking makakaya.

sabagay, naririto ako sa mundo hindi para saktan ka kaya't nararapat lang mahalin ang isang anghel na tulad mong walang dinulot na kalungkutan sa pamumuhay ko.

NOSE BLEED!